MANILA, Philippines- Nasagip ng Philippine Coast Guard ang dalawang indibidwal mula sa tumaob na fishing banca sa Mati City, Davao Oriental nitong Lunes.
Ayon sa PCG nitong Martes, tumaob ang motor banca dahil umano sa biglang pagbabago ng bigat matapos ibaba ang isa pang motor banca o pakura bandang alas-9 ng umaga.
Agad na nasagip ang crew at binigyan ng medical attention.
Samantala, nagtalaga ang Coast Guard ng absorbent pads sa katubigan upang makontrol ang minor spillage mula sa tumaob na vessel.
“This swift response prevented any further environmental damage and ensured that the incident was brought under control quickly and efficiently,” anang PCG. RNT/SA