MANILA, Philippines- Inatasan ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawang kandidato sa lokal na posisyon para sa ay midterm elections na magpaliwanag kaugnay sa hindi umano kaaya-ayang pahayag nila sa kanilang campaign sorties.
Sa hiwalay na show cause orders, inatasan ng Comelec sa pamamagitan ng Task Force on Safeguarding againts Fear and Exclusion in Elections (Task Force Safe) si reelectionit Misamis Oriental Governor Peter Unabia at incumbent Mataasnakahoy Batangas Vice Mayor Jay Ilagan na tumatakbo sa pagka-gobernador.
Sinabi ng Task Force na ang ganitong gawain ay posibleng paglabag sa Comelec Resolution No.11116 o ang Anti-Discrimination and fair campaignin Guidlines for the midterm election.
Umaasa si Comelec Chairman George Garcia na lahat ng tumatakbo sa public office na may kaugnayan sa nalalapit na halalan ay dapat iwasan ang anumang komento para maging patas sa kanilang kapwa kandidato.
Ayon kay Garcia, patuloy nilang susubaybayan social media postings ng mga kandidato at mga botante.
“Failure to submit is a waiver of the right to explain. The task Force will continue to determine whether or not charges should be filed…The Comelec has committed that before the end of the elections, we will esolve thaht matter,” pahayag ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden