MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglabas sila ng bagong listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT), kabilang ang para sa diabetes, hypertension, high cholesterol, at mental illness.
Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) 025-2025, in-update ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang listahan ng mga VAT-exempt na gamot para isama ang mga para sa diabetes gaya ng Gemigliptin 50 milligram (mg) o 500 mg film-coated tablets, at Sitagliptin 100 mg o 1 gramong release na pinalawak na tablet.
Nabatid sa BIR na exempted din ang mga gamot para sa hypertension tulad ng Amlodipine 20 mg tablets, at para sa high cholesterol Amlodipine + Atorvastatin tablets, pati na rin ang Risperidone 4 mg orodispersible tablet para sa mga may sakit sa pag-iisip.
Sinabi ng BIR na ang mga karagdagang exemption ay ginawa bilang tugon sa updated na listahan ng mga VAT-exempt na produkto na inendorso ng Food and Drug Administration (FDA).
Matatandaang noong Disyembre ay tinanggalan na din ng VAT ng BIR ang nasa 16 pang gamot para sa cancer, diabetes, at sakit sa pag-iisip. JAY Reyes