MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong promoted officials ng Philippine National Police (PNP) ” to rise to the complexity of today’s challenges.”
Ipinahayag ito ni Pangulong Marcos matapos pangunahan ang panunumpa sa tungkulin ng 39 promoted police officials ng security organization, kabilang na ang apat na Police Lieutenant Generals, 11 Police Major Generals, at 24 Police Brigadier Generals.
”Balance the demands of law enforcement while preserving institutional integrity, adhere to human rights, and have effective leadership to address multifaceted issues that surround our country today,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”Let all your actions reflect the core values that we all hold dear,” ang sinabi pa rin ng Chief Executive.
Ipinaalala rin ng Pangulo sa police officers na habang sila ay nakakuha ng bagong badges, dapat lamang na tandaan ng mga ito na hindi lang sila tumataas sa ranggo kundi pati na rin sa mga responsibilidad.
”You are stepping up into a position that demands no less than the highest standards of ethics, professionalism, and respect for human rights at all times,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
”Always carry in your hearts your oath to our great Republic—to faithfully, honestly, and unequivocally uphold and defend our Constitution,” dagdag ng Punong Ehekutibo.
Winika pa ng Pangulo na ang kanilang aksyon ay dapat laging nakaugat sa kung ano ang tama, kung ano ang dapat gawin at kung ano ang legal na iniutos.
”Perform your duties with utmost dedication, integrity, and accountability, knowing that the trust and confidence placed in you demands your very best,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Dapat aniyang tiyakin ng mga opisyal na ito na ginagampanan ng lahat ng PNP personnel ang kanilang tungkulin na may integridad, kagalingan at mapagkakatiwalaan, ”considering that our police force plays a very significant role to maintain peace and order, protect communities, and to respond in times of calamities,” said Marcos.
Samantala, kabilang sa nanumpa sa kanilang tungkulin sina Criminal Investigation and Detection Group chief Police Major General Nicolas Torre, dating PNP spokesman Lieutenant General Bernard Banac, at PNP spokesman Police Brigadier General Jean Fajardo. Kris Jose