Home NATIONWIDE Pagtitiyak ng Malakanyang: PH gov’t magbibigay ng legal assistance sa 3 Pinoy...

Pagtitiyak ng Malakanyang: PH gov’t magbibigay ng legal assistance sa 3 Pinoy na nadakip sa Tsina sa ‘pag-eespiya’

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Malakanyang na magbibigay ng legal assistance ang gobyerno ng Pilipinas sa tatlong Filipino na inaresto sa Tsina para sa umano’y pag-eespiya sa Chinese military facilities.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa lahat ng mga Filipino na may kinahaharap na kaso sa ibang bansa.

”There’s always an instruction to help our Filipino citizens abroad facing this kind of charges. Legal assistance will always be given,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ni Castro na walang pruweba na magpatotoo na ‘ganti ng Tsina’ sa Pilipinas ang pag-aresto sa tatlong Pilipinong maaaring kasuhan ng espionage sa Tsina.

”We believe that it’s just part of the initial investigation. There is no concrete evidence if it is really a retaliation or a part of retaliation of another country. We will not say that because there’s no final investigation on that matter,” tinuran niya.

Samantala, sinabi ni Teresita Daza, spokesperson ng DFA na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad ng Tsina para  matiyak na dadaan sa due process ang kaso at igagalang ang kanilang mga karapatan.

Kabilang aniya sa ibini­bigay ng Philippine Consulate General in Guangzhou ang kinakailangang legal assistance.

“Protecting the rights and interests of the said Filipinos remains the prime priority for the Philippine Government. The Philippine Consulate General in Guangzhou is providing all necessary assistance, including appropriate legal support, for the said Filipinos,” pahayag ni Daza.

“The Department has conveyed to the Chinese Government to ensure that these allegations are tried with due process and with full respect to the rights of the said Filipinos in accordance with domestic law and the Philippines-China ­Consular Agreement,” dagdag ni Daza.

Napaulat na kabilang sa hinuli ang isang ­“David” na inutusan umano ng isang handler sa Pilipinas na kilala bilang “Herrera” upang magsagawa ng mga aktibidad sa ­paniniktik at pangangalap ng inte­lligence sa China.

Inutusan din umano ni “Herrera” ang dalawa pang Pilipino, na mangolekta ng mga sensitibong impormasyon. Kris Jose