Home NATIONWIDE 2 LPAs malabong maging bagyo – PAGASA

2 LPAs malabong maging bagyo – PAGASA

233
0

MANILA, Philippines – Kasalukuyang minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure areas (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Sa kabila nito, malabong maging isang bagyo sa susunod na 24 oras ang dalawang sama ng panahon.

Namataan ang unang LPA sa coastal waters ng Kalibo, Aklan; habang ang ikalawang LPA naman ay namataan 425 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Inaasahang malulusaw ang unang LPA pagsapit ng Huwebes ngunit magpapaulan sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa, at Quezon, ngayong Miyerkules, Mayo 7. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here