Home HOME BANNER STORY 2 mag-aaral sa elementarya nakuryente sa bubble fun run, patay

2 mag-aaral sa elementarya nakuryente sa bubble fun run, patay

3
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Nauwi sa malagim na trahedya ang sinapit dalawang mag-aaral ng elementarya na dapat sana ay masayang aktibidad para sa mga mag-aaral ng Cauayan South Central School dito sa nasabing lungsod, nitong umaga ng Sabado, Oktubre 3.

Tinatayang 1,000 mag-aaral kabilang ang ilan magulang at mga guro na sumali sa isinagawang bubble color fun run sa nabanggit na paaralan ngunit dalawa ang idineklarang dead-on-arrival.

Maliban sa dalawang namatay ay may ilan din mag-aaral na kasalukuyan pang ginagamot matapos makuryente ang mga ito.

Ayon kay Ginang Elsa Dela Peña, lola ng Grade 2 student na kabilang sa namatay ay hindi na sana pinasali ang kanyang apo dahil sa kahirapan ng buhay na pambili nalang sana nila ng bigas ang pang registration nito.

Nabanggit din nito na isa pa sa kanyang mga apo na lumahok din sa aktibidad ang nagkumpirma na nakaramdam umano ito ng ground habang naglalaro sa mga bula dahilan upang lumayo ito sa lugar.

Nananawagan naman si Ginang Elsa na panagutin ang organizer ng nabanggit na aktibidad upang mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng kanyang apo.

Sinimulan ang fun run dakong alas-4 ng madaling araw sa naturang paaralan.

Matapos umikot ng ilang kilometro, bumalik ang mga kalahok sa venue kung saan isinagawa ang bubble party.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng insidente, partikular kung may grounded wire sa lugar na pinagdausan ng bubble party, lalo na at basa ang paligid nang mangyari ang insidente.

Samantala, bumisita rin si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa paaralan upang alamin ang nangyari at nakipag-usap sa mga guro na nasa paaralan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here