MANILA, Philippiens — Patay ang dalawang magsasaka at sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa Sitio Pagbahan, Barangay Alacaak, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, noong Huwebes.
Dinukot ang mga biktima habang nagpapahinga sa kubo at dinala sa isang tulay kung saan sila pinagbabaril.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Clempoy Barrientos at Rustom Bayan, mga miyembro ng CAFGU at Katasan Farmers Association. Sugatan naman sina Jorly Maximo, 43, at Salvador Bang-asan, 61, na naisugod sa ospital.
Ayon sa pulisya, ang motibo ng krimen ay isang away sa 55 ektaryang lupain. Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP upang imbestigahan ang kaso. RNT