Home NATIONWIDE 2 majority senators posibleng lumipat sa minority bloc – Tulfo

2 majority senators posibleng lumipat sa minority bloc – Tulfo

61
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Raffy Tulfo nitong Lunes, Hunyo 1, na posibleng mayroong dalawang senador mula sa mayorya ang lumipat sa minority bloc dahil sa hindi pangsang-ayon sa panukalang amyendahan ang Senate rules at payagan ang mga mambabatas na lumahok sa plenary sessions remotely.

“Kung pagmamasdan ninyo ang demeanor ng mga senador na nasa majority, at that time na may nangyayaring kaguluhan, may ilan doon na hindi happy,” ani Tulfo.

“Ang mga kilos nila, demeanor nila, parang hindi sila sang-ayon sa mga nangyayari. Yun ‘yung dalawa na maaaring lumipat,” dagdag pa.

Nang tanungin naman kung sino ang mga senador na ito, sinabi ni Tulfo na: “I don’t know.”

Ang minority bloc ay kasalukuyang mayroong 11 miyembro habang ang minorya ay mayroong 12.

Ayon kay Tulfo, ang minority bloc ay nananatiling solido sa patuloy nitong pagsuporta kay Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate president.

“Sobrang nipis so there’s the big, big possibility na mapapalitan siya sooner or later,” sinabi pa ni Tulfo na tumutukoy kay Senate President Alan Peter Cayetano.

Noong nakaraang linggo ay iniwasan ng minority senators na bumoto sa mosyon na talakayin sa Senate plenary ang panukalang amyendahan ang rules nito na payagan ang mga senador na lumahok sa sesyon remotely, kung saan nag-walk out ang mga ito.

Nakatakdang magbalik-sesyon ang Senado sa mga pagdinig nito sa Hunyo 4. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here