MANILA, Philippines – Dalawang masuwerteng mananaya mula Metro Manila at Davao City ang maghahati sa ₱22.4 milyon na jackpot ng Super Lotto 6/49 noong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination ay 24-02-10-09-25-05.
Ang mga nanalo ay bumili ng ticket sa SM Southmall sa Las Piñas at sa SM Davao.
May isang taon silang palugit upang kunin ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong, dala ang nanalong ticket at dalawang valid ID. Alinsunod sa batas, ang mga premyong lampas ₱10,000 ay may 20% buwis.
Animnapu’t walong mananaya ang nanalo ng tig-₱50,000 matapos tumama ng limang numero, habang higit 2,200 ang makakatanggap ng ₱1,200 para sa apat na tama. Mahigit 26,000 naman ang nagwagi ng ₱50 para sa tatlong tamang numero. RNT