Home NATIONWIDE 2 menor de edad kabilang sa 5 naaresto sa drug raid sa...

2 menor de edad kabilang sa 5 naaresto sa drug raid sa Pagadian

347
0

MANILA, Philippines – Arestado ang limang indibidwal kabilang ang dalawang menor de edad matapos buwagin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 9 ang isang drug den sa Barangay Sta. Maria, Pagadian City.

Ayon kay PDEA-9 regional director Bryan Babang, ang operasyon ay may kaugnayan sa search warrant na inisyu ng lokal na korte.

Sa paggalugad, natagpuan ng mga awtoridad ang 16 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng nasa 10 gramo na may estimated market value na P68,000.

Nakuha rin ang iba pang drug-use paraphernalia kabilang ang disposable lighters na may improvised needles, aluminum foil strips, scooping devices, at glass tube.

Kinilala ni Babang ang mga naarestong suspek na sina alyas Julius, 36, construction worker na isa sa mga nagpapanatili ng drug den, alyas Bryan, 27, at alyas Glenia, 57.

Itinurn-over naman sa social welfare authorities ang dalawang menor de edad.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here