MANILA, Philippines – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang most wanted person na sangkot sa kasong rape, matapos matunton at masukol ang mga suspek sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Gitnang Luzon.
Batay sa ulat na nakarating kay Central Luzon Acting Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., naaresto ng Sta. Maria Police Station Tracker Team ang suspek na si Crisanto Sigua Leonardo, 40-anyos na most wanted person municipal level na akusado sa kasong Statutory Rape sa Barangay Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.
Habang nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Eduardo Batinga Frondarina, 68 anyos, most wanted person municipal level sa kasong Statutory Rape sa Barangay Rizal, San Antionio, Zambales.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nadakip na suspek para sa documentation at proper disposition. RNT