Home METRO 2 nalambat sa P3.4M tobats

2 nalambat sa P3.4M tobats

COTABATO CITY- Umabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang high value target sa isinagawang buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Ayon sa PDEA, ang mga suspek ay kinilala lamang sa alyas Thing at Saima, kapwa residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at mga high value target na pulisya na nag-ooperate ang mga ito sa iba’t ibang lugar sa Maguindanao at Cotabato City .

Nadakip ang mga suspek noong Enero 8, 2025 sa Barangay Poblacion 5, at nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 500 gramo ng shabu, dalawang cellphone, pitaka at identification cards (ID) ng mga ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng BARMM Jail facility ang mga suspek sa nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico