Home METRO Lider ng carnapping group timbog sa Calabarzon HPG

Lider ng carnapping group timbog sa Calabarzon HPG

MANILA, Philippines- Nagulat ang hinihinalang pinuno ng Alipon Carnapping Group makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest sa kanyang bahay ng pinagsanib na elemento ng Calabarzon Highway Patrol Group sa Graceland Subd. Barangay San Isidro, Calauan, Laguna.

Ang suspek na kinilalang si Nemencio Alipon y Taladro 39, may asawa, residente ng nabanggit na lugar, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong carnapping under criminal case No. 24-6849 -SRCL na inisyu ni Hon. Gil Jude Franco Sta Maria Jr. Presiding Judge of Branch 102 Fourt Judicial Region Sta Rosa City, Laguna at Most Wanted Person sa City Level.

Batay sa inisyal na report ni PCol Rommel C Estolano Regional Chief Highway Patrol 4A kay PBGen. William M. Segun, ganap na ala-1:30 ng kahapon nang arestuhin si Alipon sa tinutuluyan nito bahay, kung saan ang suspek ay nasa watchlist na umano bilang leader ng Alipon Carnapping Group at sangkot din sa large-scale “Rent Tangay /Rent Sangla/Pasalo” at iba pa,
samantalang noong nakalipas na taong 2023 ay nadakip at sumuko ang mga miyembro nito.

Nabatid sa ulat na ang suspek ay dati na umanong naaresto kung saan nakalaya ito matapos na makapagpiyansa, samantalang mayroon din kaukulang piyansa ang suspek para sa pansamantala nitong kalayaan. Ellen Apostol