Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, laya na; Neri Naig, binasahan ng sakdal!

Rufa Mae, laya na; Neri Naig, binasahan ng sakdal!

Manila, Philippines – Pinakawalan na ng mga awtoridad si Rufa Mae Quinto after magpost ng bail for P1.7M kaninang hapon, January 9, sa Pasay RTC.

Sumuko kahapon sa NBI ang actress-comedienne kaugnay ng kasong 14 counts of violation ng Securities Regulation Code, kung saan ang bail ay P126k per count.

“Ako po ay isang komedyante. Hindi po ako negosyante. Kaya kahit kailan hindi po ako nagnene-go-go-go-syo,” pabirong sabi ni Rufa Mae sa media.

Pero sa bandang dulo ay naging seryoso na siya at napahagulgol nang tanungin sa mensahe para sa kanyang fans: “Nakakanerbiyos ‘yung lahat ng nangyari sa ‘kin, nakakalungkot, pero naniniwala po ako na ang katotohanan ay magpi-prevail.”

Kasabay ng bail hearing ni Rufa Mae ay ang arraigment naman ni Neri Naig na dire-diretsong lumabas ng building na may matipid na ngiti at tila ayaw magpainterbyu dahil nakaakbay pa siya sa isang security personnel.

Ang masayahing si Rufa Mae naman ay binuksan pa talaga ang pinto ng sasakyan ng NBI para personal na pasalamatan ang mga pulis sa pag-aasikaso sa kanya.

39 ang kliyente ng Dermacare na nag-file ng patung-patong na kaso sa board of directors nito pati sa endorsers dahil sa 89 million pesos worth of investment na hindi na naibalik. Trixie Dauz