Home METRO 2 nalitson sa sunog sa Bataan

2 nalitson sa sunog sa Bataan

166
0

BATAAN – Inulat ng mga awtoridad na may dalawang indibidwal ang kasamang nilamon ng apoy sa nasunog na isang residential compound nitong martes ng madaling araw sa Barangay General Lim, Orion.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 11:48 ng maghahating gabi maganap ang sunog na tumagal higit isang oras ang sunog kung saan 12:50 ng ideklarang fire out.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa lugar para sa police assistance dahil sa ulat na may nakasama umanong dalawang inbidwal sa nasunog na pasilidad.

Sa ulat, nadiskubre ang mga labi ng mga nasunog na tao nang tuluyang maapula na ang apoy.

Kinilala ang mga biktimang sina alyas “Joel”, na taga-Tapulao, Orani, Bataan at isang alyas “Claro” na taga-Bicol.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakitaan umano ng presensiya ng gasolina sa loob ng barracks ng gusali na posibleng sanhi ng sunog.

Isinailaim sa PNP Scene of the Crime Office (SOCO) ang lugar at awtopsiya sa labi ng mga biktima.

Gumugulong pa ang malalalimang imbestigasyon hinggil sa posibilidad na posible umanong sinadya ang sunog dahil sa nadiskubreng presensiya ng gasolina.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng pinsala sa sunog. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here