Home METRO 2 nawawala sa pagguho ng Davao sanitary landfill

2 nawawala sa pagguho ng Davao sanitary landfill

57
0

DAVAO, Philippines – Patuloy ang search and rescue operations para sa dalawang indibidwal na nawawala matapos ang pagguho ng sanitary landfill sa Barangay New Carmen, Tugbok District sa Davao City nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, isang patay at dalawang sugatan ang naitala sa insidente. Kinilala ng Davao City Police Office (DCPO) ang nasawi na si Cristel, 31-anyos na scavenger. Ang nawawala naman ay sina Luisa, 78, at Rosita, 67.

Bandang 1:15 p.m. umano nang gumuho ang bunton ng basura dahil sa naipong tubig dulot ng malakas na ulan, na tumabon sa isang malapit na bahay.

Agad na rumesponde ang mga pulis mula sa Police Station Maa at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya para sa search, rescue, at retrieval operations.

Kabilang sa mga katuwang ng DCPO ang city government, disaster risk reduction office, public safety office, environment office, barangay officials, Bureau of Fire Protection, at urban search and rescue teams.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang DCPO sa mga pamilya ng biktima at nanawagan sa publiko na manatiling kalmado at makipagtulungan sa mga awtoridad habang nagpapatuloy ang operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here