Home NATIONWIDE Senate coup tuloy, numero nakakaakit – Erwin

Senate coup tuloy, numero nakakaakit – Erwin

105
0
Kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Masyadong manipis ang agwat ng bagong minorya at mayorya sa Senado, kaya’t patuloy ang kudeta laban sa kasalukuyang liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano isang linggo pagkatapos mapatalsik si dating Senate President Vicente Sotto III.

Ganito ang pagsusuri ni Senador Erwin Tulfo sa panayam sa pagsasabing patuloy ang pagtatangkang agawin muli kay Cayetano ang liderato ng Senado dahil nakakaakit ang numero ng magkabilang panig.

Ayon kay Tulfo, walang ibang magdedesisyon sa anumang palitan ng liderato kundi ang bilang ng magtatangka o aagaw. Sa ngayon, umabot sa 13 miyembro ang bloke ni Cayetano samantalang 11 naman kay Sotto bilang minority leader.

“That is ongoing. That is continuous. Look at the number, 12-11. You’ll be tempted. They’re only 12, we are 11. Only one person has to make a step, the boxing match is finished,” ayon kay Tulfo sa pagsasabing hindi namamatay ang kudeta sa Senado.

Kahit mayorya ang bilang na hawak ni Cayetano, muling nakaliban si Dela Rosa na may nakabinbin na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) matapos “tumakas’ noong nakaraang linggo.

Dahil dito, naging 12 na lamang ang bilang ng mayorya laban sa 11 na bilang ng minorya ni Sotto.

“If the coup is not pushing through, the problem there is the numbers. Of course, the coup will only happen if one group has the number. Most likely, that’s the reason. It’s possible that the number has not been reached,” giit ni Tulfo.

“As for myself, we will always stay in the minority. No one is budging from our side. How’s that? On the other hand, no one is budging. No one wants to join us,” dagdag ng senador.

Nitong Miyerkoles, inaanunsiyo ng Senado ang pagbabago sa pangunahing komite sa gitna ng patuloy na banta ng kudeta laban kay Cayetano.

May usap-usapan sa Senado na may isang paksiyon na lihim na kumikilos upang makakuha ng sapat na boto upang palitan si Cayetano.

Unang lumutang ang pangalan nina dating Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatalon sana sa minorya kung ihahalal bilang bagong hepe ng Mataas na Kapulungan ngunit hindi pumayag ang ilang kasapi sa pagsasabing “hindi na natin kakainin ang ating isinuka.”

Sa ganitong punto, kinikilala ni Tulfo na palaging mananatili ang tangkang pagbabago sa Senado dahil masyadong manipi ang bilang ng magkabilang panig.

“They say it’s 13-11. Then it was reduced to 12-11. Only one more is needed. Actually, just one is really needed, right? Because if we become 12 and they remain 11, then only one person is needed. It’s not that many,” aniya.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here