Home NATIONWIDE 2 nawawalang mangingisda sa OrMin patuloy na pinaghahanap

2 nawawalang mangingisda sa OrMin patuloy na pinaghahanap

211
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ang dalawang mangingisda na pumalaot sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Opong sa Oriental Mindoro noong Biyernes, Setyembre 26.

Sa ulat, umalis alas-5 ng umaga sina Adrian Evangelio, 20, at si Kevin Amar, 25, kapwa mula sa Barangay Wasig, Mansalay sakay ng maliit na bangka para mangisda.

Ayon sa asawa ni Amar, sinubukan niyang pigilan si Kevin ngunit nagpumilit pa rin sa pag-alis at sinabing kalmado pa naman ang dagat.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Oriental Mindoro nang mga panahong iyon.

“Sabi ko huwag na lang, hindi na rin siya nagpapigil,” ayon pa sa asawa.

Samantala, sinabi naman ng ina ni Adrian na inaasahan sana nitong makauwi ang dalawa bandang alas-8 ng umaga ngunit hindi na nakabalik pa.

Naglunsad ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard at MDRRMO Mansalay ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakikita. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here