MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng prosecution na humarap sa preliminary investigation si Atong Ang, ang itinuturong mastermind sa missing sabungeros kasama ang iba pang respondents.
Ito ay para personal na magsumite ng kanilang counter-affidavit.
Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Atty. Charlie Guhit, iniurong ang pagdinig sa Nobyembre 3 sa halip na sa Oktubre 13 dahil kailangan pa ang mga karagdagang mga ebidensya mula sa mga complainant.
Bukod kay Atong Ang, ipinag-utos din ng panel of prosecution na dumalo sa Nobyembre 3 ang CIDG para sa clarificatory questioning.
Ayon kay Atty. Gabriel Villareal, ang legal counsel ni Ang na sapat ang ibinigay na panahon para pag-aralan ang mga ebidensya at makapaghanda ng kanilang kontra-salaysay. Jocelyn Tabangcura-Domenden