Home METRO 2 nene na lumusong sa pond para kumuha ng kuhol bangkay na...

2 nene na lumusong sa pond para kumuha ng kuhol bangkay na nang lumutang

MANILA, Philippines- Nalunod ang dalawang babae, isang 14-anyos at walong taong gulang, sa isang pond habang nangunguha ng kuhol sa Barangay Colo, Batac City, Ilocos Norte.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumusong ang dalawang babae sa malalim na bahagi ng pond.

“Talagang pumunta sila don para manguha ng mga kuhol. Nadulas yung dalawang bata hindi naman marunong lumangoy,” pahayag ni LTCOL Adrian Gayuchan, Chief of Police ng Batac City Philippine National Police (PNP).

Tinangka nilang humingi ng tulong mula sa ina ng isa sa mga biktima at ilang kasamahan na nangunguha rin ng kuhol, subalit malayo ang pond mula sa mga kabahayan,

Huli na nang makita ng construction workers ang mga babae na agad na nilapitan ng mga ito.

“Pumunta kami lahat sa may tubig para tulongan yung mga bata. Nasa loob na sila ng tubig noon, madaming putik na ang kanilang buhok… malalim mga lampas tao,” pahayag ni Ardeng Mariano, isa sa rescuers.

Nasa bukid si Reynante Garcia, ama ng 8-anyos, nang maganap ang insidente. Aniya, sanay silang manguha ng kuhol sa lugar kaya hindi niya akalaing may mangyayaring masama.

“Tinawag aka sa bukid, ‘paya na yang ana mo,’ sabi nila,” paglalahad ni Garcia.

Ayon sa barangay chairman, bawal nang manguha ng kuhol sa lugar. RNT/SA