Home METRO Tulak arestado sa pagbebenta ng droga sa bisinidad ng AFP camp

Tulak arestado sa pagbebenta ng droga sa bisinidad ng AFP camp

MANILA, Philippines- Arestado ang isang lalaki na nagbebenta ng ilegal na droga sa bisinidad ng Visayas Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na banta sa mga kasundaluhan sa loob ng kampo ng militar.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang impormasyon sa aktibidad ng suspek na si Charlie Mejala Bauntad ay natanggap ng NBI- Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO).

Alinsunod sa kampanya  ng gobyerno laban sa ilegal na droga, unang nagsagawa  ng  survellaince at test-buy operations upang makumpirma na totoo ang impormasyon  na natanggap ng NBI-CEVRO.

Kasunod nito, inilatag na ang buy-bust operation laban sa suspek noong Hulyo 3 sa Cebu City na nagresulta ng kanyang pagkakadakip at pagkakakumpiska ng walong sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Kinasuhan g  paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Bauntad. Jocelyn Tabangcura-Domenden