MASBATE – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa enkuwentro laban sa militar sa Barangay Libertad, Cawayan, Masbate noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025.
Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nasa 12 rebelde ang kanilang nakasagupa. Isang sundalo ang nasugatan at nabigyan ng lunas.
Isa pang rebelde ang naaresto at umaming may balak silang mangikil sa mga lokal na kandidato.
Narekober din ng mga awtoridad ang dalawang baril, tatlong anti-personnel mines, at mga dokumento ng grupo. RNT