Home NATIONWIDE 2 OFW sugatan sa hagupit ng ulan sa HK – DMW

2 OFW sugatan sa hagupit ng ulan sa HK – DMW

93
0

MANILA, Philippines- Sugatan ang dalawang overseas Filipino workers nitong Sabado dahil sa malakas ulan sa Hong Kong, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ng DMW na mahigpit na binabantayan ang kondisyon ng dalawang OFWs sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Office sa Hong Kong.

“The two OFWs, a married couple working for a resort owner in Sai Kung, New Territories, Hong Kong, were taking photos and videos of the storm’s damage to the facility when a landslide occurred,” sabi ng DMW sa kanilang report.

Ang dalawa ay agad na dinala sa hospital para malapatan ng lunas.

Nagtamo ng head injury ang ginang at nanatili sa ospital para maobserbahan habang ang kanyang mister ay nakaranas ng leg injuries at sumailalim sa operasyon.

Nagbigay naman ang DMW-MWO-OWWA ng paunang tulong-pinansyal sa mag-asawa at patuloy na susubaybayan ang kanilang kalagayan. Ang DMW Head Office ay maglalabas ng karagdagang mga bulletin sa kanilang kondisyon.

Ayon sa ulat mula sa South China Morning Post, naglabas ng “possible black rainstorm alert” ang weather forecaster ng Hong Kong sa gitna ng mga pagkidlat-pagkulog na nagdulot ng pagbaha sa mga kalsada.

 Mayroong 16 na kumpirmadong pagbaha, ayon sa SCMP, at ilang negosyo ang isinara habang 15 hiker ang na-trap sa mga trail sa Sai Kung. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here