Home NATIONWIDE Hustisya para sa nars na pinatay ng tinulungang motorcycle rider hirit ng...

Hustisya para sa nars na pinatay ng tinulungang motorcycle rider hirit ng DOH

MANILA, Philippines- Inihirit ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ang hustisya para sa 39-anyos na nurse na patay sa pamamaril matapos tangkaing tulungan ang suspek na sakay ng motorsiklo na nasangkot sa aksidente sa Caloocan City.

Inihayag ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na “harm should never be exchanged for help.”

“The Department of Health joins the families of Nurse Mark John Blanco and Mr Willy Maranom in seeking swift justice for their loved ones,” giit ni Domingo.

Nagtamo si Blanco, na naiwan ang lima niyang anak, ng tama ng bala sa kanyang ulo at mga braso. Bukod sa kanya, patay din sa pamamaril ng parehong suspek ang isang residente.

Ayon sa mga pulis, nagalit ang suspek nang ayaw umandar ng natumba niyang motorsiklo at doon na binaril ang nurse na nais lamang tumulong.

Kalaunan ay naaresto ang suspek, isang 54-anyos na security officer na kagagaling lamang sa inuman, ng mga pulis matapos magtangkang tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen. Naghain na ng multiple murder complaint laban sa kanya.

Base sa mga awtoridad, tumugma ang mga bala mula sa baril na nasamsam mula sa suspek mula sa narekober sa crime scene. RNT/SA