Home NATIONWIDE Online applications para sa 2024 entrance exam binuksan ng PMA

Online applications para sa 2024 entrance exam binuksan ng PMA

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Military Academy nitong Linggo ang pagbubukas ng PMA Online Cadet Application System para sa PMA Entrance Examination 2024 para sa aspiring cadets ng PMA Class 2029. 

Bukas ang PMA Cadet Online Application System mula May 1, 2024 (8 a.m.) hanggang August 1, 2024 (8 a.m.). 

“We invite the Filipino youth to apply and #StartyourPMAjourney with us,” pahayag ng PMA sa isang social media post.

Maaaring bisitahin ng mga aplikante ang PMA Online Cadet Application System sa: https://admission.pma.edu.ph.

Naka-post naman ang detalye ng online application process at admission sa https://www.pma.edu.ph. RNT/SA