Home METRO 2 opisyal, 3 pang terorista patay sa magkahiwalay na engkwentro

2 opisyal, 3 pang terorista patay sa magkahiwalay na engkwentro

SOUTH COTABATO- PATAY ang limang terorista kabilang dalawang mataas na opisyal New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng pamahalaan sa magkahiwalay na engkwentro noong Martes sa probinsyang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Yasser Catacutan at Eiza Emam, kapwa kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiya parehong wanted sa mga kasong extortion, pagnanakaw at pambobomba ng mga pampasaherong sasakyan na hindi nagbibigay ng pera bilang “protection money.”

Sa pinagsamang operasyon ng 5th Special Forces Battalion ng 6th Infantry Division, South Cotabato Provincial Police Office, at Tboli Municipal Police Station, naganap ang engkwentro sa Barangay Talcon Lake Sebu, South Cotabato.

Isisilbi sana ng mga awtoridad ang arrest warrant laban sa dalawa at sa halip na sumuko pinaputukan ang mga sundalo at pulis na nauwi sa palitan ng putok.

Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Sa Negros Occidental, nasawi si Jeje Redobles, yunit militia/local courier ng natitirang NNF (D), KR-NCBS).

Ayon kay Maj. Gen. Marion Sison, commander ng 3ID, nakasagupa ng tropa ng 79 Infantry Battalion at Philippine National Police 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force, bandang 4:00 PM noong Miyerkules ng makasagupa ang nasa 7 kasapi ng NPA Manaysay, Brgy. Cambayobo, Calatrava.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang 1 M16 assault rifle na may Serial Number: FF6723J; 1 hand grenade; 2 short magazines ng M16 rifle; 1 magazine for M14 rifle; 1 magazine ng AK47 rifle; 82 pirasong mga bala ng M16 rifle; 4 bala ng shotgun; 1 bandolier ng M16; 1 bag pack; 1 duyan, mga pagkain, gamot at subersibong dokumento.

Sa Misamis Oriental, patay din ang dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army makaraan makasagupa ang gma sundalo sa Barangay Bal-ason, sa Gingoog City, Misamis Oriental noong Miyerkules.

Kinilala ni Brig. Gen. Adonis Ariel Orio, ang mga nasawi na sina Zaldy Galamiton at John-John Ramos, parehong mataas na opisyal ng North Central Mindanao Committee.

Base sa report, nagtungo sa nasabing lugar ang tropa ng 16th Infantry Battalion hinggil sa natanggap na report mula sa mga residente na nanghihingi ang grupo nina Galamiton ng pera at bigas.

Pagdating sa lugar ng mga sundalo agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ng mga rebeldeng grupo na nauwi sa bakbakan.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok at ng makita ng mga kasamahan na duguan bumulagta ang dalawa mabilis na umatras ang mga ito patungo sa liblib na lugar ng naturang lugar.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16 assault rifles at isang bag na may lamang mga gamit sa paggawa ng improvised explosive devices./Mary Anne Sapico