Home METRO 2 opisyal ng Maynila ipinaaaresto

2 opisyal ng Maynila ipinaaaresto

MANILA, Philippines (UPDATED) – Ipinaaresto ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang dalawang mataas na opisyal ng Manila LGU dahil sa kasong paglabag sa anti graft law.

Sa inilabas na kautusan ni Judge Edilu P. Hayag, ang Presiding Judge ng MRTC Branch 26, kabilang sa ipinadarakip ay ang mga respondent na sina Charlie DJ. Dungo, pinuno ng Department of Tourism, Culture and Arts, at administrative officer na si Robert Steven Q. Principe.

Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o anti graft and corrupt practices act na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating pinuno ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy.

Matapos ang evaluation sa mga ebidensyang nakasumite sa korte, sinabi ng hukom na may probable cause upang ikulong ang mga akusado.

Dahil dito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Hayag para sa ikadarakip ng dalawang akusado.

Samantala, sa pinakabagong ulat, kinumpirma ni Atty. Princess Abante, ang tagapagsalita ni Manila City Mayor Honey Lacuna na nakapagpiyansa na ang dalawang mataas na opisyal ng Manila LGU na ipinaaresto ng korte.

Sa panayam kay Atty. Princess, sinabi niyang sa respondent na si Charlie DJ. Dungo, pinuno ng Department of Tourism, Culture and Arts ay maghahain din ng petisyon for review para kwestiyunin ang finding na probable cause dahil ibinasura na umano ang reklamo noon pang 2024.

“As per Dir. Charlie, they are also filing a petition for review questioning yung finding of probable cause kasi dismissed daw yang complaint na yan nung Nov. 2024,”ayon sa abogado. Jocelyn Tabangcura-Domenden