MANILA, Philippines- Humihingi ng dayalogo ang transport group sa bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa transport group sa pamamagitan ni Ka Lando Marquez ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, nais nilang talakayin kay DOTr Secretary Vince Dizon ang PUV Modernization Program at ang umano’y pahirap na Joint Administrative Circular ng Metro Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Aniya, nais nilang malaman mula sa DOTr kung ano ang plano sa PUV Modernization Program.
Pangamba ng grupo, baka maitsapwera ang PUV Modernization Program lalo pa at marami sa kanila ang namuhunan na para mapaganda ang kanilang mga sasakyan.
Nais din nila na ipawalang-bisa kay Sec. Dizon ang memorandum sa pagitan ng MMDA at LTFRB dahil ito umano ay ginagawang gatasan ng mga law enforcers. Jocelyn Tabangcura-Domenden