Home HOME BANNER STORY 2 Pakistani arestado sa P235M droga sa parking lot ng hotel sa...

2 Pakistani arestado sa P235M droga sa parking lot ng hotel sa Maynila

(c) Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang Pakistani National matapos mahulihan ng aabot sa halagang P235 milyong illegal na droga sa isinagawang joint buy-bust operation sa parking lot ng Diamond Hotel sa Roixas Blvd Service Road, sa Malate, Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Drug Enforcement Group, Batangas Provincial Police Office, NCRPO, CIDG, PDEA, Bureau of Immigration at iba pang enforcement unit at sa koordinasyon sa Malate Police Station 5.

Kinilala ang naarestong dayuhan na si Zahid Rafique Pasha alyas ZP, 50 anyos.

Kasabay naman ng pagsasagawa ng imbentaryo sa nakuhang 47 kilos ng iligal na droga o shabu, hinalughog ng mga operatiba ang lugar para tugisin ang isa pang banyaga na kasabwat ng suspek kung saan huamntong sa pagkakaresto kay Akram Muhammad Faheem, na isa ring Pakistani National, 59 anyos at naninirahan sa Matthew exit Wingan, Paranaque City.

Ang mga suspek ay pansamantalang nakakulong sa PNP DEG sa Camp Crame sa Quezon City para sa tamang documentation at disposition.

Iti-turn over naman sa PNPFG Camp Crame para sa Laboratory Examination. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)