Home NATIONWIDE Search warrant laban sa POGO binawi ng korte – PAOCC

Search warrant laban sa POGO binawi ng korte – PAOCC

MANILA, Philippines – Iniatras ng Korte ang search warrant na inisyu nito laban sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga.

Sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Dr. Winston Casio, inatras ng korte ang warrant dahil sa teknikalidad dahil hindi nailagay ang pangalan ng mga indibidwal at mga item na kailangan haluglugin.

Sinabi ni Casio na nakiusap sila sa judge na ibalewala na lang sana ang teknikalidad at isentro ang warrant sa merito ngunit ibinasura din ng korte ang kanilang kahilingan.

Sinabi ni Casio na nag-apply na sila ng iba pang search warrant sa ibang korte.

Nagsasagawa na rin sila ng internal investigation sa gitna ng pangamba ng posibleng ‘naunahan’ sila sa operasyon.

Magugunita na sinalakay ang POGO hub sa Pampanga dahil sa mga iligal na aktibidad. Teresa Tavares