Home METRO Bebot tumalon sa gusali sa Malate, tigok

Bebot tumalon sa gusali sa Malate, tigok

Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang MPD-Homicide Section sa pagkamatay ng isang 24 anyos na empleyado na umanoy tumalon sa isang gusali sa Malate, Maynila nitong Huwebes.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay nakatira sa West Fairview sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, alas 6 ng umaga nang mangyari ang insidente sa 1st floor podium ng Suntrust Condominium sa Adriatico Street, Malate.

Ayon pa sa imbestigasyon, dumating ang biktima sa condominium at nagtungo sa ika-siyam na palapag ng gusali at hinahanap ang isang Antonette Ferrer na nanunuluyan sa unit 9D.

Sinabihan naman ng roommate ni Ferrer na wala ang taong hinahanap ng biktima sa nasabing unit.

Nang humiram ng cellphone ang biktima sa roommate, nag-iwan umano ito ng “parting remarks” o mensahe ng pamamaalam sa kanyang kaibigan gamit ang Facebook account ng nasabing roommate ni Ferrer bago ito umalis na umiiyak.

Kasunod nito, nakarinig na lamang ng komosyon mula sa poolside area at nagulat nang makita ang biktima na nakatihaya at wala nang buhay.

Isa sa posibleng tinitignang anggulo sa umano’y pagpapakamatay ng biktima ay selos.

Gayunman, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang malaman ang punot-dulo ng umanoy pagpapakamatay ng biktima matapos silang magtalo ng kanyang kasintahan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)