Home NATIONWIDE 2 paslit patay sa pagkain ng butete sa Basilan

2 paslit patay sa pagkain ng butete sa Basilan

151
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang bata habang nasa kritikal na kondisyon ang tatlo pang kapamilya nito matapos na kumain ng butete sa Lamitan City, Basilan nitong Martes, Hulyo 30.

Ayon sa pulisya, kumain ng butete ang pamilya Uwing bilang hapunan at naramdaman ang epekto ng toxin na tetrodotoxin madaling araw nang sumunod na araw.

Nagpatuloy ang pagsusuka at pagtatae ng dalawang bata. Namatay ang mga ito matapos ang dalawang oras.

Samantala, dinala sa Lamitan District Hospital ang 34-anyos na ina at dalawa pang anak nito na nasa kritikal na kondisyon.

Ang tetrodotoxin ay isang malakas na lason na matatagpuan sa atay at sex organs ng ilang isda kagaya ng butete. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here