Home NATIONWIDE SM Prime nakatutok sa inobasyon vs sakuna, proteksyon ng mga komunidad.

SM Prime nakatutok sa inobasyon vs sakuna, proteksyon ng mga komunidad.

Inihayag ni SM Prime Holdings executive committee chairman Hans T. Sy na palaging nakatutok ang kanyang kompanya sa paggawa ng mga inobasyon o pagbabago laban sa mga sakunang nagaganap sa bansa.

Kasama sa mga pangunahing ginagawa nito para sa nasabing mga inobasyon ang pagsasama ng tamang pagtugon sa umiiral na klima at katatagan sa paggawa ng mga proyekto para rito.

Kalakip nito ang pagpapalawak din ng samahan ng pamahalaan at pribadong sektors at iba pang may kinalaman o stakeholder o upang magiging matatag ang mga komunidad laban sa mga sakuna o mabawasan ang masasamang ibinubunga ng mga ito.

Naniniwala si Sy na hindi lang salita ang katatagan o resiliency sa gitna ng sakuna kundi isang pamumuhay na nagpapakita ang lahat ng pagkalong sa isa’t isa at wala ni sinoman ang maiiwan sa kawalan.

Kamakailan lang, naabot na ng SM Prime Holdings ang ika-30 taon nito bilang publicly listed company na nakilala na sa tuloy-tuloy at matatag na pag-unlad o sustainable development.

Nagagawa ng kompanya ang resiliency at sustainability sa pagbubuhos ng malaking bahagi ng pondo nito para sa mga proyekto rito.

Bilang inhinyero at opisyal ng Philippine board ng ARISE Private Sector Alliance for Disaster Resilient Societies of the United Nations, at co-chairman ng National Resilience Council na tumutulong sa mga local government unit, pinangungunahan nito ang pagdisensyo at pagtatayo ng mga istrakturang matitibay at matatatag.

Halimbawa na lang sa 25 SM Supemalls na mga sangay ng SM Prine, iginawan ang mga ito ng mga pangulong ng tubig-ulan o catchment basin upang mapigil ang mga pagbahang mapaminsala, ayon naman kay Liza Silerio, SM Supermalls head for corporate compliance and sustainability.

Napatuyanan umano ang halaga ng mga ito nang pigilan ng catchment basins ang mapaminsalang baha mula sa bagyong Carina.

Naging ehemplo rin umano ang SM Mall of Asia complex ng mga disensyong matatag laban sa storm surge o pagtataas ng tubig-dagat at proteksyon sa mga komunidad sa paligid nito.

Ginawa rin ang mga pundasyon nito laban sa paglambot ng lupa at mga lindol.

Ang catchment basin ng SM City Masinag na 17,681 metro kubiko ay katumbas ng pitong Olympic-sized swimming pool at nasa 85,272 metro kubiko ang kapasidad ng lahat ng Supermalls.

Kinila naman ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction ang SM City Marikina sa hindi nito pagharang sa daloy ng tubig-baha, pagiging matatag nito sa kabila ng pagiging mapanira ang Marikina River at pagiging proteksyon din ng mga komunidad sa paligid.