MANILA, Philippines – Nasawi ang magkapatid na batang lalaki at babae, habang sugatan naman ang isang senior citizen sa sumiklab na sunog sa isang bahay sa Purok Lison, Barangay 1, Bacolod City nitong Martes, Mayo 20.
Natagpuan ang sunog na bangkay ng 8-anyos na batang lalaki at kapatid nitong 6-anyos na babae nang maapula ng mga bumbero ang sunog.
Nagtamo naman ng paso sa katawan ang 63-anyos na lalaki.
Ayon kay Barangay Captain Cesar Rallos, nagsimula ang sunog 2:19 ng madaling araw matapos ang brownout dahilan para magsindi ng kandila ang mga residente.
Tinatayang nasa P3,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian sa nangyaring sunog. RNT/JGC