NUEVA VIZCAYA – Dalawa ang patay habang dalawampu ang sugatan sa salpukan ng isang Close Aluminum Van Truck at isang Commuter Van sa bahagi ng Purok 4, Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang driver ng Toyota Hi-Ace Commuter Van na si Darwin Raquipo, 43 anyos na residente ng Victory Sur, Santiago City habang kinilala naman ang driver ng Isuzu Aluminum Closed Van na si Ciriaco Vertodaso, 40 anyos, may asawa at residente ng Ineangan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, binabagtas ng mga nabanggit na sasakyan ang pambansang lansangan na sakop ng Purok 4, Barangay Nagcuartelan mula sa magkasalungat na direksyon.







