Home NATIONWIDE Kauna-unahang meteor shower ng taon masasaksihan ngayong gabi

Kauna-unahang meteor shower ng taon masasaksihan ngayong gabi

MANILA, Philippines – Masasaksihan ngayong gabi ng Huwebes, Enero 4, 2024, ang kauna-unahang meteor shower ng taon.

Ayon sa ulat, walang inaasahang matinding kaulapan at pag-ulan sa bansa kung kaya’t posibleng makita ang daan-daang meteor kada oras dahil sa peak ng Quadrantid meteor shower ngayong linggo.

Inaasahan na masisilayan ang meteor shower alas-6 ng gabi at tatagal hanggang Biyernes ng umaga. RNT/JGC

Previous article2 patay, 20 sugatan sa salpukan ng trak at van
Next articleDBM naglabas ng P550M badyet sa building construction ng NKTI