Home METRO 2 patay, 21 sugatan sa tumaob na van

2 patay, 21 sugatan sa tumaob na van

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang indibidwal habang 21 ang sugatan matapos bumaliktad nang ilang beses ang umano’y overloaded passenger van sa Cebu sa kahabaan ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) nitong Sabado.

Sa ulat, makikita sa dashcam footage ng isa pang sasakyan ang pag-overtake ng puting van bago sumabog ang kaliwang gulong nito.

Nawalan ng kontrol ang van at bumaliktad nang ilang beses. Maraming pasahero ang tumilapon sa pangyayari.

Inasistihan naman sila ng mga dumaraang motorista.

Ayon sa Cordova police, dalawang pasahero, isang 2-anyos at isang babaeng nasa kanyang 40s-50s ang agad na binawian ng buhay.

Isinugod ng rescuers ang 21 sugatan, kabilang ang driver ng van, sa kalapit na ospital upang agad na malapatan ng lunas.

Base sa mga awtridad, posibleng ang overloading ng van ang naging sanhi ng insidente. RNT/SA