KASING init ng nagbabagang araw ang laban ng Public Estates Authority Toll Corporation at Cavitex Infrastructure Corporation sa usaping sino ba ang dapat mangasiwa ng Tollways at kasama na rito ang pangongolekta ng toll fees na ibinabayad ng mga motoristang dumadaan sa sa nasabing toll na tinatayang humigit-kumulang sa TATLONG BILYONG PISO bawat taon.
Matagal nang ipinaglalaban ng pamunuan ng PEATC at ng mother corporation nitong Philippine Reclamation Authority ang isyu subalit wala pa ring nangyayari. Salamat na lang at andiyan si PRA Chairman Atty. Alex Lopez at ang kanyang PRA Board at PEATC OIC Steve Esteban dahil sa pakikipaglaban para sa interes ng sambayanan.
Sino ba ang dapat mangasiwa ng CAVITEX toll ways at ang toll fees collection. Ang sagot ay nasa Audit Observation Report ng Commission on Audit noon pang 2018 o ANIM NA TAON na ang nakalilipas. Sa isang annual report, ayon sa Bilyonaryo. Com, COA QUESTIONS WHY PEATC’s CAVITEX IS VIRTUALLY UNDER CONTROL OF METRO PACIFIC-SALIM.
Sa pag-“red flag” ng COA, itinanong nito – WHY THE STATE OWNED COMPANY LACKS A SEPARATE TRANSACTION RECORD FROM CAVITEX INFRASTRUCTURE CORPORATION FOR THEIR OPERATIONS AND MAINTENANCE CONTRACT OF METER (CAVITEX).
Sabi pa ng COA – PRIOR TO THE SIGNING OF ITS JOINT VENTURE WITH CIC in 2006, PEATC HAD ITS OWN RECORD OF REVENUES AND EXPENSES. But since its revenue sharing partnership, PEATC only gets daily remittances on the toll collection WHILE IT HAS NO RECORD OF THE DISBURSEMENT.
At ano ang pananaw ng COA? Simple! PEATC ang dapat mag operate ng MCTEP.
It is our view that the PEATC HAS NO OTHER RECOURCE BUT TO BE ABLE TO OPERATE ACCORDING TO ITS MANDATE AND MAINTAIN ITS OWN ACCOUNTING RECORDS OF THE TOTAL INCOME AND EXPENSES OF THE MCTEP AND REPORT ITS FINANCIAL PERFORMANCE.
Maliwanag na PEATC ang may mandato sa pangangasiwa at pangongolekta ng toll ways at fees.
Bakit ngayon ay pinapalagan ng CIC na pangasiwaan ng PEATC ang toll operations at fees?
Sabi ng Metro Pacific at CIC , HINDI PA KAMI BAYAD SA INVESTMENT NAMIN? Ha?
Aba’y 2006 hanggang ngayon hindi pa kayo bayad? Isinasama kami ng Metro Pacific at CIC ang gastos nila sa ibang PHASE ng Cavitex na wala naman sa original joint venture agreement ng Pilipinas at Malaysian Companies. Ang PHASE ONE lang ang pinag usapan sa Joint Venture Agreement. (May karugtong)