Home METRO 2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Ilocos Sur

2 patay, 3 sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Ilocos Sur

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang drayber habang sugatan ang tatlong indibidwal sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Gabur Sur, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Michael Saydawan, 53, ng Baguio City, drayber ng closed van, at Rodulfo Hafalla ng Barangay Paratong, drayber ng motorsiklo.

Sa ulat ay sinakop umano ng closed van ang lane ng Fuso truck na nagresulta sa banggaan.

Nawalan naman ng control ang drayber ng Fuso truck kaya bumangga sa isa pang motorsiklo bago tuluyang sumalpok sa isang pader.

Sugatan naman sa insidente ang drayber ng Fuso truck na si Mariel Rosal, 38, at mga pasahero nito.

Nadala pa sa ospital sina Saydawan at Hafalla ngunit idineklarang patay.

Nasa kustodiya ng pulisya si Rosal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC