Home METRO 2 patay, 3 sugatan sa nagliyab na condo

2 patay, 3 sugatan sa nagliyab na condo

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang bata habang sugatan ang tatlong indibidwal nang sumiklab ang sunog sa MRB Condominium Building sa Barangay Ususan, Taguig nitong Linggo ng hapon, ilang oras bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa inisyal na ulat n Bureau of Fire Protection, naiulat ang insidente mula na nagsimula sa isang junk vehicle ng alas-4:58 ng hapon.

Itinaas ang first alarm ng alas-5:04 ng hapon at nakontrol pagsapit ng alas-5:07 ng hapon at tuluyan namang naapula pagtuntong ng alas-5:27 ng hapon, na nag-iwan ng dalawang nasawi.

Kinumpirma ng BFP Taguig ang pagkasawi ng dalawang bata, habang nagtamo ng sugat ang tatlong indibidwal.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang mitsa ng sunog. RNT/SA

Previous article2024 nakaambang salubungin ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo
Next articleJennylyn, pressured na pumayat!