Manila, Philippines- Sa loob ng dalawang taon ay maraming pagbabago ang maaaring mangyari.
Physically, either one gains or loses weight.
Sa kaso ni Jennylyn Mercado, it’s gaining extra pounds that pressured her.
Dalawang taon din kasing natengga ang kanyang GMA teleserye na Love. Die. Repeat.
It was supposed to be Xian Lim’s first ever project upon his transfer to GMA.
Matatandaang nagkaroon ng emergency sa set ng naturang series involving Jennylyn.
Buntis na noon ang aktres kay Dennis Trillo.
Ending: inihinto ang project.
GMA had to wait until Jennylyn gave birth and was ready to go back to work.
Ang problema, nakakatawa naman daw na payat pa siya noong matigil ang taping.
Ito raw ang dahilan kung bakit kinailangang magpapayat si Jennylyn para sa continuity ng serye.
Most of the time ay sa bundok daw sila nagte-taping dahil doon daw nagsimula ang love story ng mga bida, who are Jennylyn and Xian.
Super thankful naman ang aktres sa tiyaga ng GMA na hintayin siya sa loob ng dalawang taon when she could have been easily replaced. Ronnie Carrasco III