Home NATIONWIDE 2024 nakaambang salubungin ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

2024 nakaambang salubungin ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang posibleng rollbacks sa presyo ng diesel at kerosene epektibo sa Martes, Jan 2.

Sa mensahe ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero, sinabi niya na posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P0.10 hanggang P0.35 kada litro, habang inaasahan namang tatapyasan ang presyo ng kerosene ng P1 hanggang P1.10 kada litro.

Subalit, nagbabadya ang dagdag-presyo sa gasolina ng P0.10 kada litro.

Ani Romero, bunsod ito ng“easing of concerns” sa shipping disruptions, habang ang oil output ng Russia ay inaasahang magiging matatag sa 2024. RNT/SA