Home METRO 2 patay, 3 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin

2 patay, 3 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin

226
0

CONNER, Apayao – Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang tatlong iba pa matapos mahulog sa bangin ng sinasakyang jeep na kargado ng mga baboy sa bahagi ng Brgy. Lenneng, Conner, Apayao.

Kinilala ang mga nasawing hog buyer na sina Alyas Mike at Alyas Noli habang sugatan naman ang driver at dalawang iba pang kasamahan nito na pawang residente sa Barangay Andarayan South, Solana, Cagayan.

Pauwi na sana galing ng Kabugao, Apayao ang jeep na may kargang 18 baboy ngunit nang marating ang pababa at pakurbang bahagi ng lansangan sa Barangay Lenneng ay biglang nawalan ng preno ang naturang jeep.

Kasunod nito ay hindi na nagawang makontrol ng driver ang sasakyan na naging dahilan upang dumausdos ito pababa ng bangin.

Dead on the spot ang mga biktima dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo habang patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang mga nakaligtas sa aksidente.

Samantala, ang naturang bahagi ng lansangan ay accident-prone area at hindi lang ito ang unang beses na may naiulat na kahalintulad na insidente na naganap sa naturang lugar. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here