Home HOME BANNER STORY 2 patay, 6 sugatan sa sunog sa pagawaaan ng paputok sa Laguna

2 patay, 6 sugatan sa sunog sa pagawaaan ng paputok sa Laguna

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang trabahador habang sugatan ang anim na iba pa sa pagsiklab ng sunog sa pagawaan ng paputok sa Cabuyao, Laguna nitong Huwebes, Pebrero 1.

Ayon sa ulat, naitala ang insidente sa maliit na fireworks factory sa Barangay Bigaa.

Agad na nasawi ang dalawa sa mga empleyado nito habang nasa kritikal na kondisyon naman ang ibang nasaktan sa sunog, kabilang ang isang bata.

Sa kasalukuyan ay naapula na ang sunog at wala nang iba pang nadamay na pagawaan ng paputok.

Bagama’t may kaukulang mga permit, hindi ito ang unang pagkakataon na nasunog ang naturang fireworks factory.

Magbibigay naman ng tulong ang alkalde ng Cabuyao sa pamilya ng mga biktima. RNT/JGC