Home NATIONWIDE LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao

LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang northeast monsoon o amihan at trough ng Low Pressure Area (LPA) sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang trough ng LPA sa Mindanao, Central Visayas, Negros Occidental at Southern Leyte.

Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Aurora, Quezon at Bicol Region, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Visayas naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan dahil sa pinagsamang-epekto ng LPA at localized thunderstorm. RNT/JGC