Home METRO 2 patay salpukan ng motorsiklo, SUV

2 patay salpukan ng motorsiklo, SUV

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang indibidwal matapos bumangga sa isang SUV ang kanilang motorsiklo madaling araw ng Linggo sa Rizal Avenue sa bahagi ng Fugoao St., Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga biktima na sina Hilario Madriaga, backrider at ang drayber na si Silvestre Leal, taga-Cabulanglangan Tagudin, Ilocos Sur.

Nangyari ang insidente alas-2:48 ng madaling araw habang binabaybay ng mga biktima ang westbound ng Fugoso St. at pagsapit sa kanto ng Rizal Avenue ay bumangga ito sa SUV na Toyota Innova.

Minamaneho ni Rey Ramos De Parcarey Jr. ng Quiapo, Maynila ang Toyota Innova nang mangyari ang insidente habang siya ang naka-go signal light.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang mga biktima sa kalsada na nagresulta ng kanilang agarang pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden