Home METRO Ama shoot sa selda sa panggagahasa sa 12-anyos na anak

Ama shoot sa selda sa panggagahasa sa 12-anyos na anak

SAN ISIDRO, Isabela- Nadakip ng mga pulis ang isang 33-anyos na lalaki sa lugar na ito noong Hunyo 6 dahil sa umano’y panggagahasa sa kanyang anak noong 2022 at 2023.

Naaresto ang suspek na si alyas “John,” ika-pitong most wanted person sa Region 2 o Cagayan Valley, sa pamamagitan ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 21 sa Santiago City, Isabela, na may petsang Mayo 27, 2024.

Ayon sa mga pulis, ginahasa umano ang 12-anyos na biktima noong Agosto at Oktubre 2022 at noong Hulyo 2023.  

Naiwan ang biktima sa pangangalaga ng suspek dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang ina, ayon sa mga awtoridad.

Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa San Isidro Police Station bago i-turnover sa issuing court. RNT/SA