Home HOME BANNER STORY 2 Pinoy patay sa Houthi missile attack sa Yemen

2 Pinoy patay sa Houthi missile attack sa Yemen

MANILA, Philippines- Patay ang dalawang Filipino seafarers sakay ng isang merchant ship na naglalayag sa Red Sea at sa Gulf of Aden sa missile attack ng rebel group na Houthi, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes.

Base sa DMW, sugatan naman ang dalawa pang tripulanteng Pinoy sa pag-atake sa barko.

Batay sa ulat, sinabi ng US Central Command (CENTCOM) na ang pag-atakeng inako ng Houthis, ay kumitil sa tatlong seafarers sakay ng Greek-owned, Barbados-flagged ship True Confidence nitong Miyerkules.

Inihayag ng Greek operators ng True Confidence na nagliyab ang nasabing vessel. Mayroon umanong 20 tripulante at tatlong armadong guards a sakay nito, kabilang ang 15 Filipinos, apat na Vietnamese, dalawang Sri Lankans, at Indian at Nepali national. RNT/SA