Home ENTERTAINMENT Sitcom ng DongYan, magsi-season break o masisibak na?

Sitcom ng DongYan, magsi-season break o masisibak na?

Manila, Philippines- Tulad ng alam ng lahat sa film industry, close to P1 billion ang kinita ng MMFF entry ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Rewind.

It was highly successful na napataob nga nito ang Hello Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards shown years ago.

Sadly, hindi nakuhang i-duplicate ng DongYan ang success nito via their weekly sitcom on GMA.

Nasa Season 2 na ang Jose and Maria’s Bongga Villa.
It piloted with a not so satisfactory rating.

Lalo pa itong dumausdos nitong Sabado with a dismal 6.6% rating.

Balitang isang linggo na lang ang natitira nitong nakabankong episode.

Maitatanong lang: magsi-season break ba ito o sisibakin na sa ere.

As what’s happening on TV, three months o one season or equivalent to 13 weeks lang ang itinatagal ng halos if not all programs.

If a show peaks up, malamang na ma-extend.

Malaki ring contributing factor ang commercial load as it’s the lifeline of any program.

Nagkataong nasa first quarter pa bumagsak ang DongYan sitcom, panahong mahina generally ang pasok ng commercial load.

Nakakalungkot lang isipin na ang “blockbuster couple” hailed on the big screen ay hindi gaanong mabenta sa TV.

Obyus na hindi nahatak ng Primetime King at Queen ng GMA ang mga viewers as they did in their movie Rewind.

O baka rin naman the viewers have had enough of them kaya naumay na rin ang mga ito. Ronnie Carrasco III

Previous articlePCG umaasa sa int’l support para solusyunan ang WPS issue
Next article2 Pinoy patay sa Houthi missile attack sa Yemen